Bago magsimula
Tiyaking may access kayo sa email account na naka-link sa Deriv. Depende sa inyong email provider, maaaring kailanganin din ninyo ang inyong telepono o isang authenticator app.
Protektahan ang inyong email
Protektahan ang inyong email sa 3 hakbang
Maaaring ilagay sa panganib ng na-compromise na email inbox ang iba pang account. I-secure ang inyong email sa pamamagitan ng inyong provider bago pa magkaroon ng problema. Nakatutulong din ito para protektahan ang inyong Deriv account.
1.Gumamit ng hiwalay at matibay na password
Gumawa ng mahaba at natatanging password para sa inyong email account na hindi ninyo ginagamit sa Deriv o sa anumang ibang serbisyo. Makatutulong ang mapagkakatiwalaang password manager sa paggawa at pag-iimbak nito.
2.I-on ang 2FA para sa inyong email
Buksan ang opisyal na app o website ng inyong email provider at pumunta sa mga security setting nito. Piliin ang 2FA na gumagamit ng authenticator app kung available, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa pag-set up.
3.Suriin ang mga recovery detail at access
Sa mga security setting ng inyong email provider, tiyaking sa inyo ang mga recovery detail at napapanahon ang mga ito. Suriin ang mga device at session na naka-sign in, at alisin ang anumang hindi pamilyar na access ayon sa mga tagubilin ng inyong provider.
May nakita bang hindi pamilyar na access?
Sundin ang mga tagubilin ng inyong email provider para i-secure o mabawi ang inyong inbox. Kung sa tingin ninyo ay maaaring apektado rin ang inyong Deriv account, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng live chat o WhatsApp sa aming website.
I-secure na ang inyong email
Piliin sa ibaba ang inyong email provider para sa opisyal nitong mga tagubilin sa seguridad. Kung iba ang gamit ninyong provider, buksan ang opisyal na app o website nito at hanapin ang mga security setting.
Para sa ibang provider, direktang buksan ang opisyal na app o website nito.
Mga karaniwang tanong
Kailangan ng tulong?
Mga karaniwang tanong
Bakit mahalaga ang aking email account?
Saan ko makikita ang mga setting ng seguridad ng aking email?
